Monday, October 20, 2008

Isa ka bang Nobita?

Kilala nyo ba si Doraemon? Marahil ay napanood nyo na siya kahit isang beses pa lang. Isa siyang pusang robot na laging inaasahan ni nobita sa lahat ng bagay. Sa kanyang bulsa matatagpuan ang halos lahat ng sagot sa problema ni Nobita. Dahil sa katamaran ni Nobita, lagi na lang siyang umaasa kay Doraemon sa lahat ng bagay. Ngunit sa huli, bumabalik din sa kanya lahat ng kanyang kalokohan. Maraming bata ang naaliw at natutuwa sa palabas na yan.


Sa simpleng kwento nito ay makikita natin ang katamaran ng tao. Bata pa lang ay nakikitaan na ng potensyal sa katamaran. Makikita din natin dito ang kagustuhan ng tao na mapadali ang buhay sa pamamagitan ng teknolohiya.



Kung ating pagiisipan ng mabuti, hindi lamang ang gobyerno ang dapat nating sisihin sa kahirapang ating dinadanas sa ngayon. Katulad ng nakita natin sa palabas na Doraemon, karamihan sa atin ay parang si Nobita na nuknukan ng tamad at lagi na lang umaasa sa teknolohiya na nakukuha niya sa bulsa ni Doraemon. Totoo na napapadali ng teknolohiya ang ating pang araw-araw na gawain ngunit dahil sa kakahayan ng mga makina na naiimbento sa ngayon, kumonti ang oportunidad ng mga mamamayan na makapagtrabaho.


Sa pagkuha ko ng kursong Political Science 1 ay marami akong napagtanto sa mga bagay-bagay dito sa mundong ito. Noon, isa ko sa mga taong walang pakialam sa aking komunidad. Hindi ko naiisip na nilalabag ko na pala ang mga batas natin katulad ng hindi pagtawid sa tamang tawiran, maging sa pagsakay at pagbaba sa jeep. Sa ating simpleng di pagsunod sa batas ay nagiging corrupt na din tayo katulad ng mga politikong kinamumuhian natin. Napagtanto ko na upang mabago at umasenso an gating bansa, kailangan ang pagbabago ay magsimula sa ating mga sarili. Sa simpleng pagdidisiplina natin sa sarili natin ay makakamit natin ang pagbabagong ating hinahangad para sa ating bayan!

posted by: Camacho, Lois Agatha G.
POSC1-B

No comments: